I just got permission from the author of Kwentong Tambay's Nicanor David Jr. aka "BatJay" to link to his site. If you understand Filipino humor at its best.... raw, sometimes vulgar and just plain witty at most times ... you will enjoy his day to day musings and observations about anything in general and nothing in particular. The man is not only funny... he is also prolific that his blogs was made into a book "Kwentong Tambay: mga kwento ng isang sira-ulong Overseas Filipino Worker". The introduction was written by Manuel L. Quezon III. Unfortunately, the book is only available in the Philippines for now so better visit BatJay's site to enjoy his humorous writings...
As a preview, here is one article which he wrote about his first year here in the USA.
TOP 10 NA MGA IMPORTANTENG NATUTUNAN KO SA UNANG TAON NAMIN SA AMERICA:
1. marami pala talagang mga kupal na pilipino sa america. ang mga kupal na tinutukoy ko ay yung mga pinoy na nagdala rito ng mga bad habits nila sa pilipinas. mayroon ding mga pilipino na kung umasta ay mas americano pa sa mga americano. kaya pala pag may nakikilala akong mga pilipino rito, feeling ko medyo nakikiramdam sila. siguro tingin nila sa akin eh asshole until proven cool.
2. marami pala talagang mga mababait na pilipino sa america. ang mga mababait na tinutukoy ko ay yung mga pinoy who go out of their way to make you feel welcome. sila yung mga tao who do special things for you not for any special reason except for the fact na talagang mga mababait sila - mga special pinoy tulad nina ceci, ate sienna, gigi-goes-gaga, tito rome, g, jmom, petite at ibalik.
3. marami ring mga kupal na americano sa america. karamihan sa kanila ay ngayon ko pa lang nakikilala. sila yung mga kano na ang unang iniisip sa mga desisyon nila ay ang protektahan ang kanilang mga sariling pwet. marami ako ng nakikilala sa trabaho na ganito - ok lang sa kanila kahit mali ang desisyon basta maprotektahan lang nila ang kanilang mga mini-kingdoms.
4. marami ring mga mababait na americano sa america. karamihan sa kanila ay matagal ko nang kilala. sila yung mga kano na malayo pa lang ay nakangiti na't may nakahanda na agad na yakap at halik. sila yung mga nag-iimbita sa mga bahay nila for dinner and drinks. sila yung mga enchanted sa mga exotic mong kwento tungkol sa pilipinas na tuwang tuwa pag nag e-explain ka kung paano kumain ng balut at kung ano ang ingredients ng dinuguan.
5. madali palang tumaba sa america pag hindi ka nag-ingat sa pagkain mo. mga bwakangina kasing mga restaurant dito, ang lalaki ng mga serving. akala mo isang barangay ang papakainin sa isang typical order na good for one person. mura din ang pagkain relative sa sweldo kaya ang tendency mo bilang isang pinoy ay mag over-eat. pag kumakain ka kasi rito eh naalala mo parati yung sinasabi sa iyo ng magulang mo na kailangan ubusin lahat ng pagkain sa lamesa kasi nung panahon ng hapon, puro kamote lang ang kinakain nila at saka mahiya naman daw kami sa mga malnurished na bata sa africa na namamatay sa gutom.
6. madali palang pumayat sa america pag inalagaan mo ang pagkain mo. ang isang maganda rito eh maraming mga activities tulad ng paglakad, pag bike, pagpunta sa gym na pwede mong gawin in relative safety. maganda rin ang mga medical program ng mga kumpanya kaya libre ang pagpapatingin sa doctor. dito ko nga nalaman na may diabetes ako. tinakot akong sobra ng doctor ko na pag hindi raw ako nagbago ng lifestyle eh maraming complications na pwedeng mangyayari sa akin. kaya eto - i've lost over 40 pounds and am at the healthiest that i've ever been in my entire life. healthy food na ang kinakain ko na puro fruits at gulay. medyo nami-miss ko nga lang kumain ng kang-kong dahil wala nun dito.
7. maraming bobo na mga amerikano sa current events at geography dahil ang local news dito ay tungkol sa sports, traffic at weather lamang. minsan pati nga yung mga news channel ay nagiging bobo na rin - yesterday, nagreport ang FOX NEWS na puputok na raw ang mayon volcano sa indonesia. indonesia? WTF?
8. maraming magagaling na investigative journalist sa america. masarap panoorin ang mga documentary ng 60 minutes dahil kitang kita mo ang lalim ng preparasyon sa bawat segment. maganda rin ang mga nilalabas na mga article sa los angeles times, newsweek at time magazine. pero paminsan-minsan ay namimiss kong magbasa ng mga espesyal pinoy balita tungkol sa mga babaing nagsilang ng dalag.
9. kung gusto mo pala, madali lang kalimutan ang pilipinas. ang kailangan mo lang gawin ay magbasa ng mga balita tungkol sa takbo ng gobyerno at isipin kung ano ang magiging quality ng buhay mo kung nasa pilipinas ka. magsisimula kang magtanong: ilang oras ba magmaneho papunta sa opisina? makakalakad ka ba na hindi titingin kung may sumusunod sa iyo? pag nagsumbong ka sa pulis, tutulong ba sila? pag nagsipag ka ba sa trabaho eh mapapakain mo ba ang pamilya mo at makakabili ka ng bahay at lupa? pag nagsimula kang mag-isip ng ganito eh pag tagal, ayaw mo nang umuwi dahil mabubwisit ka lang.
10. kahit ano pala ang gawin mo, hindi mo makakalimutan ang pilipinas. naroon kasing naiwan ang mga mahal mo sa buhay at parati mo silang iniisip. gusto mong makita ang magulang mo't maakap sila at makakwentuhan tungkol sa galing sa boksing ni manny paquiao. gusto mong maka-inuman ang barkada mo't matikman ang masasarap na pulutang parati nilang hinahanda pag dumarating ka - sisig, kapalmuks, inihaw na pusit, tokwa't baboy at pwet ng manok. gusto mong matulog sa sarili mong bahay ng walang iniisip dahil may kasama ka roon na nakabantay sa iyo't gagawa ng lahat ng paglilinis, paglalaba at pagluto.
Only a "true" Pinoy would be able to see the humour in any situation no matter how bad or mundane it is.
So true, Serey! Only Filipinos can laugh even when faced with so much trials in life. And I think this is one of our many good traits, dont you think? ;)